Inflation ng bansa – posibleng bumilis na naman

Inaasahang sisirit na naman ang inflation rate sa bansa sa gitna ng mataas na presyo ng pagkain at petrolyo ngayong Oktubre.

Sa pagtataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), posibleng nasa 2% hanggang 2.8% ang inflation sa buwan na ito.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Paliwanag ng BSP, nagkaroon kasi ng pagtaas ng halaga ng mga food commodities gaya ng mga gulay, prutas, at isda.

Bukod pa riyan, malaking epekto ang naidulot ng peso depreciation kung bakit tumaas ang presyo ng mga bilihin ngayong Oktubre.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Samantala, titiyakin umano ng central bank na ipagpapatuloy nila ang measured approach upang masiguro ang katatagan ng presyo ng mga bilihin sa bansa.