PBBM: Gobyerno – ‘full control’ sa kambal na bagyo

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na nananatiling full control ang pamahalaan sa pagtugon sa kambal na epekto ng bagyong Kristine at Leon.

Sa statement ng Pangulo ngayong hapon, sinabi nitong bagaman hindi maiwasan na maapektuhan din ng bagyo ang resources at mga tauhan ng gobyerno, pero tinitiyak nitong sapat ang assets ng pamahalaan upang maibsan ang epekto ng bagyo at makarekober sa pinsalang dulot nito.

Read More:  Gatchalian says online memes over impeachment seating hurt

Ayon pa sa Pangulo, nagpapatuloy ang mga relief and recovery efforts sa iba’t ibang lugar sa bansa na sinalanta ng bagyong Kristine, habang handa na ring rumesponde ang pamahalaan sa lugar na apektado naman ng Leon.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Sa kasalukuyan, nananatiling naka full alert ang lahat ng instrumentalities ng gobyerno at handang mai-deploy anumang oras sa mga lugar na nangangailangan sa kanilang serbisyo.