CAMARINES NORTE- Magkakaroon ng concert for a cause ang isang musikero na mula sa lalawigan ng Camarines Norte na si Jeff Grecia
Magaganap ito alas otso ng gabi sa May 6, 2023 sa Roy Padilla Memorial Stadium sa bayan ng Jose Panganiban.
Sa panayam ng Brigada News FM-daet kay jeff Grecia, sinagot nya ang ilang mga katanungan tungkol sa kanya at sa binuo niyang awitin na elevate
Sinabi nya rin kung ano ang inspirasyon nya tungkol sa viral na awitin
Nagpasalamat at nagbigay rin ng mensahe si Jeff Grecia sa mga nakinig naka-appreciate ng kanyang binuong kanta
Sinabi nya rin na ang kikitain umano sa kanyang concert for a cause ay ipagkakaloob sa mataas na paaralan ng Jose Panganiban National High School, Larap National High school, Gawad Kalinga High school at Sta. Cruz National High school.
Samantala, base sa latest post ng musikero, umabot na sa 20 million streams ang kanyang kantang elevate sa isang digital music, podcast, and video service na Spotify.
