NAGA CITY- Alert Level 1 ang Naga City at Camarines Sur sa COVID-19 ayon sa inilbas na anunsyo ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) simula pa noong Abril 15, 2023 hanggang sa Abril 30.
Kaugnay nito sinabi sa Brigada News FM Naga ni Dr. Desiree Bricenio, National Immunization Program (NIP) Regional Medical Coordinator ng Department of Health Bicol na tuloy-tuloy ang pediatric vaccination laban sa naturang virus. Puwede aniyang pumunta sa mga health center. May mga ibinababa namang bakuna sa bawat bayan.
Samantala , kaugnay pa rin pagsisiguro ng kaligtasan ng mga bata sa ibang mga sakit, gaganapin sa Pili, Camarines Sur ang launching ng Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity (MR OPV SIA) 2023 sa Abril 28, 2023 para sa pagbabakuna ng mga bata na 9-59 months old laban sa Tigdas at Rubella gagundin 0-59 months old laban sa Polio.