BNFM BICOL-NAGPAPATULOY ngayon ang isinasagawang kampaniya ng Social Security System (SSS) Virac Branch sa mga delingkwenteng employers sa bayan ng Virac Catanduanes.
Ito ang Run After Contribution Evaders (RACE) na bahagi ng kanilang programa na paalalahanan ang mga employer sa kanilang kontribusyon para sa kanilang mga empleyado alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang Social Security Act of 2018.
Dahil dito umabot sa 55 mga establisyemento ang kanilang binisita, na aabot naman sa kabuoang utang na P2,187,481.48 milyon sa kanilang mga kontribusyon at penalties. ### KENNETH BERMIL
Photo From Web