Industrial fuel oil ng MT Terra Nova, tumagas na

Naglalabas naman ng industrial fuel oil ang mga cargo tanks ng MT Terra Nova, na lumubog sa Bataan noong nakaraang linggo

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), kinumpirma ng mga divers ng Harbor Star na siyam na tank valves ang nag li-leak, na may kabuaang laman na 1.4 milyong litro ng industrial fuel oil.

Read More:  Sandiganbayan removes Bonoan from flood control case

Dahil dito, sinabi ni PCG Spokeperson Rear Admiral Armando Balilo na hindi natuloy kahapon ang paghigop sa milyong litro ng langis.

Prayoridad aniya kasi ng ahensya na ma-takpan muna ang mga valve na tumatagas.

Read More:  Torre’s vehicle caught using EDSA busway, MMDA confirms

Kinumpirma rin ng PCG na namataan ang bahagi ng oil spill sa apat na kilometro ang layo mula sa baybayin ng Hagonoy, Bulacan.

Sa ngayon, wala pang nakitang oil spill sa Batangas, Maynila, at Pampanga.