Quiboloy, handa naman umanong humarap basta sa ilalim lang ng Korte Suprema ng bansa

Tiniyak ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC), Executive Secretary Eleanor Cardona na handa naman si Apollo Quiboloy na humarap sa ilalim ng batas basta ba’t ito ay sa Korte Suprema lang ng Pilipinas.

Pero paglilinaw ni Cardona, hindi nila kasama sa ngayon si Quiboloy sa kanilang compound.

Read More:  Pulse Asia survey shows Sara Duterte, Bong Go leading 2028 race

Kasunod nito, agad naman ding nagbiro si Senador Ronald Bato Dela Rosa na pareho lang pala sila ng sitwasyon ni Quiboloy.

Kung saan, pabor naman siyang humarap sa lahat ng kaso dito sa bansa ngunt huwag lang sa ilalim ng hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC).

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Maalala, isa sa mga kinwestyon ni Dela Rosa sa pagdinig ng kanyang komite ang tungkol sa legal basis ng pagtanggap ng pera ng pulisya mula sa mga private individuals upang magsawa ng operasyon.