P16M halaga ng marijuana kush, nasabat ng mga awtoridad sa Clark Freeport Zone sa Pampanga

Nasabat ng Clark Drug Interdiction Task Group ang nasa P16M halaga ng marijuana kush sa dalawang “wooden crates” sa Clark Freeport Zone sa Pampanga.

Ayon sa PNP Aviation Security Group, nadiskubre ang malaking halaga ng iligal na droga sa mga kahon idineklarang mga “sofa sets” na nagmula sa Bangkok, Thailand , sa isinagawang x-ray inspection ng Bureau of Customs.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Agad na nagsagawa ng panelling ang Narcotics Detection Dog , na nagbigay alerto sa presensya ng iligal na droga.

Nang buksan ang mga kahon, tumambad ang nasa 23 transparent plastic bags na naglalaman ng humigit-kumulang 10.406 kilo ng high-grade Marijuana Kush.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Na-locate naman ang consignee ng iligal an droga na mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.”