Quezon central school sa Quezon, ninakawan; dalawang malalaking tv at iba pa- tinangay

Nanakawan ang Quezon Central School sa Quezon, Palawan, kung saan ninakaw ang dalawang malalaking TV at iba pang gamit tulad ng extension wire, charger, at iba pa mula sa isang silid-aralan.

Sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga jalousie na bintana, pumasok ang mga magnanakaw sa loob ng mga kwarto, ayon sa Guro na si Vanessa Dela Rosa Gacasa.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Natuklasan lamang kaninang alas-7 umaga, na ang mga magnanakaw ay lumapit sa back gate ng paaralan kung saan matatagpuan ang mga silid na kanilang pinasok.

Bagamat nagroronda ang mga guwardiya kagabi, iniimbestigahan pa nila kung paano nakalusot ang mga masasamang loob.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Nakipag-ugnayan na rin ang pamunuan ng eskwelahan sa mga awtoridad upang magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa nangyaring pagnanakaw.

Samantala, aabot sa P20, 000. ang halaga ng mga nawalang gamit.