Inihayag ni DOH Cagayan Valley Center for Health Development Regional Director Dr. Amelita Pangilinan na 16 multi-specialty center ang target ipatayo sa Lambak ng Cagayan batay sa kanilang health facility development plan.
Ang mga DOH Hospitals sa rehiyon na mayroong multi-specialty centers ay ang Cagayan Valley Medical Center sa Tuguegarao City; Southern Isabela Medical Center sa Santiago City; at Region II Trauma and Medical Center sa Nueva Vizcaya.
Ayon kay Dr. Pangilinan, uunahin ng isang health facility ang prevalent cases sa kanilang nasasakupan at nagiging basehan ito para sa implementasyon ng kanilang multi-specialty centers.
Aniya, ang CVMC ay mayroong cardiovascular, renal, pediatric at internal medicine; ang SIMC naman ay nakatuon sa dermatology habang ang R2TMC ay sa trauma medical care dahil sa mga naitatalang kaso ng aksidente sa kanilang nasasakupan.
Kasalukuyan pang pinag-aaralan ng kagawaran ng kalusugan ang mga maaaring ibigay na specialty centers sa mga DOH hospitals upang makumpleto ang sentralisasyon ng Multi-specialty centers sa rehiyon.