Queen Elizabeth kinausap si UK PM Johnson sa telepono

Kinumpirma ng Buckingham Palace na kinausap ni Queen Elizabeth si Prime Minister Boris Johnson sa pamamagitan ng telepono sa gitna ng pagpopositibo nito sa COVID-19.

Ayon sa palasyo, patunay ito na nasa maayos na kalagayan ang 95 anyos na Monarch. Ang pag-uusap ng dalawa ay regular na ginagawa ng mga ito minsan sa isang linggo.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Una nang tiniyak ng tagapagsalita ng Buckingham palace na sa kabila ng pagpopositibo ni Queen Elizabeth sa virus ay tuloy ang pagtugon nito sa mga light engagement at commitments.

Read More:  3 dead on cruise ship amid suspected virus outbreak

Matatandaan na unang nag-positibo sa COVID-19 si Queen Elizabeth noong Oktubre ng nakaraang taon.

❤️