CAMARINES NORTE- Nanatiling mapanganib ang paglalayag ng mga maliliit na sasakyang pandagat dahil pa rin sa nakabanderang gale warning sa karagatang sakop ng Camarines Norte.
Batay sa pinakabagong Sea Travel Advisory ng Camarines Norte Coast Guard Station strong to gale force winds ang asahang makakaapekto sa karagatang sakop ng lalawigan dahil sa Northeast Monsoon.
Dahil dito maalon hanggang sa napakaalon ang magiging kundisyon ng karagatan na may taas na nasa 2. 8 hanggang 4. 5 metro.
Batay sa guidelines ng PCG patungkol sa movement of motorboats/vessels walang bangka ang dapat maglayag na 250 G.T. o mas mababa pa kapag ganito ang sitwasyon ng karagatan.
Unang nagpalabas ng ganitong Sea travel Advisory ang PCG noong Lunes.
Sa sandaling alisin na ng Pagasa ang nakabanderang gale warning sa karagtang sakop ng probinsiya at kung bumuti nan g kundisyon ng dagat ay muling magpapalabas ng panibagong abiso ang PCG.
Sa ngayon ay hinihimok ang mga mangingisda na antabayanan ang mga susunod na ulat alagay ng panahon.
