Quarantine facility sa Guinobatan, Albay punuan na; LGU magdaragdag ng pasilidad

BICOL—Puno na ang COVID-19 quarantine facility sa bayan ng Guinobatan, Albay kung kaya pinagpaplanuhan ng lokal na pamahalaan na magdagdag ng pasilidad sa gitna ng tumataas na kaso ng sakit.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Mayor Ann Gemma Ongjoco inihayag nito na sa ngayon ay iisa ang kanilang quarantine facility na kaya lamang umako ng hanggang 16 na pasyente.

Dahil dito, ang mga asymptomatic ay pinapa home quarantine na lamang at tanging ang mga may sintomas ang dinadala sa pasilidad habang ang mga may malalang kondisyon ay nasa ospital.

Ayon kay Ongjoco, mayroon na silang naka standby na building para sa gagawing dagdag na pasilidad bagamat bahagyang may kalayuan ito sa sentro.

Anya, magdaragdag na lamang sila ng hiwalay na mga staff para magmonitor sakaling maisakatuparan at mabuksan na ang bagong pasilidad.

Kaugnay nito ay muling nanawagan ang opisyal sa kanyang mga kababayan na makipagtulungan, sumunod sa health protocol, iwasan ang madalas na paglalabas ng bahay kung hindi naman kailangan at magpabakuna laban sa COVID-19.### || slm, with reports from BNFM Legazpi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *