QC court, pinatutuhanang walang record si BBM sa pagbabayad ng tax, penalties

Pinatutuhanan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 105 na walang record si dating Senator Ferdinand Marcos Jr. na nagbayad ito ng buwis at penalidad kaugnay sa kanyang kabiguan na maghain ng tax returns noong 1982 at 1985.

Ayon sa korte, hiniling nila kay Marcos na magsumite ng proof ng ipinatupad na penalidad, pero hanggang ngayon, walang record na nagbayad ito.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Una nito, naghain ang Pudno Nga Ilokano (Ang Totoong Ilokano) ng pang-apat na disqualification case laban kay Marcos

Sa kanilang petisyon, binigyang diin ng grupo na nahatulan ng walong beses ang presidential aspirant ng QC RTC 105 noong 1995 dahil sa kabiguan na maghain ng kanyang income tax returns bilang gobernador ng Ilocos Norte para sa taxable years 1982 at 1985, at kabiguan rin nito na magbayad ng corresponding deficiency taxes.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Bagama’t inapela ang desisyon sa Court of Appeals, binigyang diin ng mga petitioners na kinatigan ng appellate court ang judgment na “guilty beyond reasonable doubt” sa apat na convictions. //MHEL PACIA-TRINIDAD