Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na pabor siya na ipanatili ang Alert Level 2 sa National Capital Region, sa gitna ng banta ng Omicron variant.
Ayon kay Duque, tatalakayin kasi ng Inter-Agency Task Force ang posibleng pagpapababa sa alert level sa rehiyon.
Paliwanag ng kalihim, tiyak na tataas ang mobility ngayong kapaskuhan, kaya mas maigi na umanong mas maging konserbatibo tayo.
Sakali namang manatili ang alert level, sinabi ni Duque na sapat naman ito para makarekober ang ekonomiya, dahil 50% na kapasidad ang pinapayagan sa mga establisyemento, at karagdagang 10% kung mayroon silang safety seal.

Maliban dito, kung sa lugar nila ay may 70% na vaccination rate para sa A2, A3, at general population, may karagdagan pang 20%, na ibig sabihin ay 80% sa kabuoan. //MHEL PACIA-TRINIDAD