Binigyang diin ng isang ranking official ng Philippine Coast Guard (PCG) na equipped ang Pilipinas sa “water war” sa China, sakaling kailanganin.
Ayon kay PCG Vice Admiral Oscar Endona, Jr. handa ang mga barko ng Coast Guard na gumanti sakaling muling paulanan ng Chinese vessels ng water cannons ang mga barko ng bansa.
Ang pahayag ni Endona ay matapo mausisa ng mga senador hinggil sa capability ng Pilipins sa pagresponde sa aggressions sa West Philippine Sea.
Matatandaan na noong nakaraang buwan, hinarang ng tatlong Chinese Coast Guard vessels at pinaulanan pa ng water cannons ang mga barko ng bansa para itaboy habang nagdaala ng suplay para sa mga tropa ng militar sa Ayungin Shoal.

At para maiwasan ang kaparehong insidente, sinabi ni Endona na ang Coast Guard – at hindi civilian vessels – ang itatalaga na mag-resupply sa mga marines. //MHEL PACIA-TRINIDAD