Inabswelto ng Quezon City Regional Trial Court ang 19 na pulis na naharap sa homicide dahil sa pagkakapaslang kay dating Albuera mayor Rolando Espinos Sr. at sa isa pang inmate sa loob ng kulungan.
Sinabing abogado ng mga pulis na si Atty. Roland Inting, na wala sa anim na testigo ng prosecution ang nakapagturo kung sino sa mga akusado ang nakapatay kay Espinosa at sa inmate na si Raul Yap.

Nasawi ang dalawa sa Baybay Sub-Provincial Jail noong November 2016
Ipinunto rin ni Inting na ang prosecution na ang nagdesisyon mismo na wala na itong maipepresenta na pruweba.
Inisyal na nakasuhan ang 19 na pulis na pinangunahan ni Col. Marvin Marcos ng murder, ngunit kalaunan ay na-downgrade ito sa homicide matapos itong i-petisyon ng mga akusado.