Samahan ng mga maliliit na mangingisda sa isang barangay sa Jose Panganiban nakatanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa BFAR

CAMARINES NORTE- Nakatanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ilang mangingisda sa Sitio Tabadyak, Barangay San Jose, Jose Panganiban Camarines Norte.

Ginawa ang pamamahagi kamakalawa ng nasa 500 daang piraso ng Lapu- Lapu para sa fish cage sa 15 benepisyaryo ng Samahan ng mga Maliliit na Mangindisda sa naturang bayan na pinangunahan ni Provincial Fishery Officer Rolando Tiam.

Ayon kay Tiam, bahagi pa rin ito ng rehabilitation effort ng ahensiya para sa mga maliliit na mangingisda na nasalanta ng bagyong Ambo na nanalasa noong Mayo ng nakaraang taon.

Matatandaan na dati na ring nagbigay ng tulong pangkabuhayan ang ahensiya Mayo nitong taon sa mga fisher folks ng seaweeds farm implements na naapektuhan ng naturang bagyo.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Isa rin ang Jose Panganiban sa naging benepisyaryo.

Nasa 30 beneficiaries ang naka- avail ng seaweeds farm implements noon na nakatanggap ng isang complete set package na may kasamang seaweed propagules.

Mayroon ding benepisyaryo para sa restocking of grouper fish cage at juvenile grouper.