57 bagong kaso, 19 na nakarekober at 1 kaso ng pagkasawi dahil sa COVID-19 naitala sa Camarines Norte ng DOH Bicol kahapon

CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 2,829 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte sa ibinigay na ulat ng DOH Bicol Kahapon

57 panibagong kaso ang naitala kung saan ang mga ito ay nagmula sa 6 na bayan ng Camarines Norte

16 na kaso ang nagmula sa Daet, 12 sa Talisay, 6 sa Basud, tig-a-apat na kaso ang bayan ng Jose Panganiban, San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Vinzons

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Habang may tig- 3 kaso ang bayan ng Labo at Paracale at 1 ang mula sa Mercedes

Dahilan ito upang sumampa muli sa 1,032 ang aktibong kaso sa lalawigan

Sa kabila ng naiulat na mga panibagong kaso, nakapagtala rin ng 19 na mga pasyente na gumaling sa sakit dahilan upang umakyat na sa 1,700 ang bilang ng mga nakarekober

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Habang nadagdagan ng 1 kaso ang nawalan ng buhay kung kaya’t mayroon ng 97 na naitalang pagkasawi

Patuloy namang nagpapaalala ang DOH at PHO na sumunod sa ipinapatupad na health protocols at suportahan ang approved na bakuna