Pulong Duterte – target ang re-election

Pormal nang naghain ng certificate of candidacy si dating Presidential son at ngayo’y Davao City Representative Paolo Duterte para sa congressional bid.

Target ni Duterte ang re-election bilang kinatawan ng unang distrito ng Davao City.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Inihain ang COC ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pamamagitan ng kanyang legal representative na si Atty. Elijah Manuel Pepito.

Paliwanag ni Pepito, hindi na nakapaghain nang personal si Congressman “Pulong” dahil sa naunang engagement sa Metro Manila.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Mababatid na bago ito ay inihayag ni Duterte na “undecided” pa siya sa kanyang plano sa susunod na halalan bunsod umano ng nangyayaring gulo sa kasalukuyang administrasyon laban sa kanilang pamilya.