Digong – tatakbong mayor

Pormal nang kinumpirma ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang kandidatura sa pagka-alkalde sa Davao City sa darating na 2025 National and Local elections.

Inihayag din ng dating Pangulo na si incumbent Mayor Sebastian Duterte ang magiging running mate niya bilang bise alkalde kung saan maaari nilang isumite
ang kanilang COC ngayong araw o sa deadline bukas.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Dagdag pa ng dating Pangulo, magsusumite muna siya ng COC bago pupunta ng Maynila.

Inamin ng dating Pangulo na hindi na niya kayang humawak ng mataas na posisyon na may malaking responsibilidad dahil sa kanyang edad at kalusugan.

Read More:  NBI says it has information on Sen. Bato dela Rosa’s location

Ngunit dahil sa panawagan ng mga tao, babalik siya upang maglingkod sa lungsod, kaya ngayon lang pinayuhan na niya ang mga kriminal at mga nagbebenta ng droga na umalis sa Davao. (with reports from EMMAN DELA PEÑA – 93.1 BNFM DAVAO)