Sinampahan ng Cebu City Police Office ang tatlo sa siyam na indibidwal na umano’y nanloob sa dalawang magkalapit na pawnshop sa downtown Cebu City noong Agosto 8.
Kasong robbery in band sa City Prosecutors Office ang kakaharapin nina Marcial Ponesto, ang driver ng getaway vehicle; at isa pang kasabwat nito na si Van Lincoln Gabriel Estrada.
Maliban sa kanila, sinampahan din ng kaso ang isang pulis na syang may-ari ng nakuhang getaway vehicle.
Sinamahan ni Cebu City Acting Mayor Raymond Alvin Garcia ang kapulisan sa pagsasampa nitong Miyerkules, Agosto 21.
Maaalala, mahigit 14 milyong pisong halaga ng mga alahas ang natangay ng mga kawatan mula sa dalawang pawnshop.