Nag-alok ng P100,000 na pabuya si San Carlos City Mayor Rene Gustilo sa makakapagturo sa mga responsable sa nanloob sa isang kilalang mall sa lungsod.
Umaga ng Martes, Agosto 20, 2024 ng nadiskubre ang panloloob.
Basag na ang glass door ng isang botika at nanakawan ang mga stalls ng cellpohone, alahas at iba pa.
Sa inisyal na imbestigasyon ng San Carlos City Police Station, dumaan ang mga magnanakaw sa drainage sa harap ng mall at binutusan ang sahig sa banda ng isang botika at binuksan ang vault na naroroon at kinuha ang tinatayang P100,000 na cash.
Nabatid na hindi ito ang unang pagkakataon na ninakawan ang mall dahil nilooban din ito noong Black Saturday, March 30, 2024.
Patuloy ang imbestigasyon ng kapulisan.