Publiko, inabisuhan na ng NLEX hinggil sa mabigat na daloy ng trapiko sa harap ng nalalapit na pagsisimula ng FIBA World Cup sa Bulacan

Nagpaalala na ang North Luzon Expressway (NLEX) sa publiko na asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang mga expressway kasabay ng pagbubukas ng FIBA World Cup sa Philippine Arena sa Biyernes.

Ayon sa NLEX Corporation, lubhang mararamdaman ang pagbagal at pagsikip ng trapiko sa mga sasakyang patungo sa Bocaue at Santa Maria.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Maaari umanong dumaan sa alternatibong mga ruta gaya ng pag-exit sa Marilao, Bocaue, o Tambubong.

Sa harap ng nalalapit ng World Cup, inabisuhan ng NLEX Corporation ang mga biyahero at drivers ng mga sasakyan na maglaan ng mas maraming oras at pasensya dahil sa maidudulot na kalagayan ng mga kalsada.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Sinisiguro naman din daw ng mga ito ang pagde-deploy ng mga traffic personnel sa ilang mga lugar para mag-assist sa mga motorista.