BSKE, hindi dapat ma-infiltrate ng NPA, ayon kay National Youth Commission Chair Cardema

Hindi dapat makapasok ang Communist Party of the Philippines – New Peoples Army sa darating na eleksyon sa Oktubre partikular na sa Sangguniang Kabataan.

Ito ang sinabi ni National Youth Commission Chairman Ronald Cardema kasunod na rin ng nalalapit na BSKE.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Posible raw kasing gamitin ng isang mananalong SK na kaalyado ng makakaliwang grupo ang posisyon para mag-recruit ng mga kabataan.

Read More:  Ateneo Law Student Council expresses disappointment over Cayetano

Upang maiwasan ito, mayroong ibibigay na pabuya ang NYC at scholarship, medical assistance at tulong pinansyal sa sinumang makapagtuturo ng recruiter ng mga kabataan sa mga unibersidad para umanib sa CPP-NPA.