PRRD, sumailalim sa mandatory quarantine

Sumailalim si Pangulong Rodrigo Duterte sa mandatory quarantine matapos nitong ma-expose sa kaniyang tauhan na nagpositibo sa COVID-19.

Kinumpirma ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na household staff ng Pangulo ang nasabing COVID-19 case.

Nilinaw naman ni Nograles na negatibo ang resulta ng COVID-19 test ng Pangulo.

Tiniyak ng kalihim sa publiko na patuloy na gagampanan ng Pangulo ang tungkulin nito habang naka-quarantine.

Tuloy-tuloy rin aniya ang komunikasyon ng Pangulo sa mga miyembro ng Gabinete upang masigurado na matutugunan ang mga urgent na bagay partikular na ang mga may kinalaman sa COVID-19 response.

Mababatid na fully vaccinated na ang Punong Ehekutibo laban sa COVID-19, at nakatanggap na rin ito ng booster shot.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *