Presyo ng bottled water sa mga grocery store sa Camarines Norte walang naging paggalaw

CAMARINES NORTE – Walang naging paggalaw sa presyo ng bottled water sa mga grocery store sa Camarines Norte sa kabila ng inaasahang mataas na demand nito dahil sa matinding init ng panahon.

Batay sa pinakahuling Price Monitoring ng basic necessities at prime commodities ng Department of Trade and Industry naglalaro mula P6 ang pinakamaliit hanggang P50 ang pinakamalaking distilled water depende sa brand. Mula P10 hanggang P18 naman ang purified water depende sa laki at brand.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Habang ang mineralized water naman ay mula P6. 25 hanggang P72 depende sa laki at brand.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Maliban sa mga nabanggit na produkto wala ring naging paggalaw sa presyo ng iba pang basic at prime commodities tulad ng naiulat noong nakaraang linggo.