47-anyos na lalake, pumasa matapos ang 33 beses na sumubok mag-exam

Matapos bumagsak sa kaniyang unang 33 beses, pumasa na sa wakas sa licensure exam para sa mga guro ang isang 47-anyos na lalaki sa Isabela.

Taong 1999 ng subukan niya kumuha ng exam at mula dito, naging sunud-sunod ang kaniyang pagbagsak.

Pero hindi sumuko si Jorge Alejo at makalipas ang 25 na taon, natupad na ang kaniyang pangarap.

Kuwento ni Alejo, ginapang niya ang kaniyang pag-aaral dahil sa hirap ng buhay.

Sa ngayon balak ni Alejo na mag-apply sa Department of Education.