Maraming lugar sa Camarines Norte nakaranas ng power outages noong weekend

CAMARINES NORTE – Nakaranas ng power outages ang maraming lugar sa Camarines Norte noong Sabado  dahil sa ipinatupad na Manual Load Dropping o rotational brownout ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Kaya sa halip na “happy weekend” ay “badtrip” ang marami na ang ilan ay idinaan ang sa social media ang pagkadismaya.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Paliwanag ng Camarines Norte Electric Cooperative, ginagawa ang Manual Load Dropping upang mapanatili ang integridad ng system kaya kinailangang magbawas ng load ang NGCP dulot ng manipis na suplay ng kuryente.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Noong sabado ng gabi ay nawalan ng kuryente ang walong bayan sa ikalawang distrito at dalawa naman sa unang distrito.

Nagkaraoon din ng rotational brown out noong hapon na nataon pa man din sa matinding init ng panahon.