Top 4 Most Wanted Person sa BARMM, tiklo ng CIDG

ARESTADO ang Top 4 Regional Most Wanted Person ng Bangsamoro Autonomous Region matapos na isilbi ng mga otoridad ang warrant of arrest sa kasong murder kamakalawa ng gabi sa bayan ng South Upi sa probinsya ng Maguindanao del Sur.


Nanguna sa operasyon ang CIDG-Cotabato City Field Unit ng Bangsamoro Autonomous Region katuwang ang South Upi Municipal Police Station at iba pang unit ng PNP bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni 12th Judicial Region, Brach 14 Acting Presiding Judge Hon. Kasan Kusain Abdulrakman na may petsang March 22, 2024 at walang inirekomendang bailbond.


Kinilala ang suspek na si ay-ar Samillano a.k.a Jay-ar Pantallion Samillano, 31 anyos na residente ng Sitio Remegubrob, Brgy. Pilar sa nasabing bayan.


Maayos namang sumama sa raiding team ang suspek na binasahan din ng kanyang miranda doctrine bago ito dalhin sa lock up cell ng CIDG sa Cotabato City at nakahandang iharap sa korte na naglabas ng warrant of arrest.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *