PRRD pinatitiyak sa FDA na mapaparusahan ang mga nahuling nagbebenta ng pekeng gamot

Pinatitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Food and Drug Administration (FDA) na mapapanagot ang mga nagbebenta ng pekeng gamot at mga fly-by-night drug stores.

Dahil dito inatasan ni Pangulong Duterte ang FDA na magsagawa ng follow-up sa mga kasong naisampa na sa mga nahuling sangkot sa iligal na aktibidad.

Read More:  BAYAN urges public action to condemn developments in the Senate

Binanggit ng Pangulo ang kahalagahan ng pagsasampa ng mga kaso laban sa mga suspek upang matakot ang mga tao na sundin ang mga maling gawain ng iba.

Bilang tugon sinabi naman ni FDA officer-in-charge Oscar Gutierrez na nakikipag-ugnayan na ang kanilang ehensiya sa mga awtoridad upang ihinto ang pagbebenta ng mga pekeng gamot, lalo na sa mga maliliit na negosyo tulad ng mga sari-sari store.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Suportado naman ni Pangulong Duterte ang plano ni Gutierrez imonitor ang mga sari-sari store na posibleng nagbebenta ng pekeng gamot.

Inatasan din nito ang mga LGUs na magpataw ng mahigpit na ordinansa laban sa pagbebenta ng mga fake medicine.