Kabilang ang syudad ng Angeles at Olongapo sa mga highly urbanized city sa bansa na nasa low risk na ng COVID-19, ayon sa OCTA Research group.
Sa monitoring ng naturang grupo as of February 14, nasa 4% na lamang ang positivity rate sa Angeles city, habang 5% naman sa Olongapo city.
Nasa very low category na rin ang kanilang reproduction number.
Maliban sa Angeles at Olongapo, kabilang din sa mga HUCs na nasa low risk ang Lucena.
Maaalalang isinailalim na sa alert level 2 ang mga lugar sa Central Luzon, kabilang ang dalawang nabanggit na syudad simula bukas hanggang February 28.
