PRRD, isinulong ang panukalang bubuo sa OFW department

Nanawagan muli si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na maipasa na ang panukala na magtatatag ng isang ahensya na tututok sa lahat ng pangangailangan ng overseas Filipino workers.

Sinabi ng Pangulo sa kaniyang huling State of the Nation Address na kailangan na ng mga Pilipino ang Department of Workers and Overseas Filipinos lalo na at marami sa mga OFWs ang nagdurusa.

Read More:  Cayetano confirms vehicle used by Bato to return to Senate

Aminado ang Punong Ehekutibo na marami ang pagkukulang sa government response para sa mga OFWs, kabilang na ang monetary assistance para sa kanila.

Mababatid na naipasa na sa mababang kapulongan ang nasabing panukala, ngunit nanatili naman itong nakabinbin sa Senado.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Matatandaan noong Mayo, ay sinertipikahan ng Pangulo bilang urgent ang panukala na magtatatag ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos.

Dahil sa sertipikasyon ng Senate Bill No. 2234 ay pwedeng maipasa ng Senado ang naturang panukala sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa loob lamang ng isang araw.