Filipino swimmers, nakakuha ng slots sa Tokyo Olympics

Nakasungkit ang swimmers na sina Luke Gebbie at Remedy Rule ng slots sa Tokyo Olympics na dahilan para umangat sa 19 ang bilang ng mga atletang Pinoy na sasabak sa quadrennial event.

Makikipagkompitensya ang Filipino-Kiwi na si Gebbie sa 50-meter at 100m freestyle habang ang Fil-Am naman na si Rule ay sasali sa 200m butterfly at freestyle sa pool competition na gaganapin sa July 24 hanggang August 1.

Naging opisyal ang kwalipikasyon nina Gebbie at Rule sa pamamagitan ng sulat na natanggap ni Philippine Swimming Inc. president Lailani Velasco mula kay International Swimming Federation (FINA) Organizing Swimming Entries Coordinator Pedro Adrega.

Pinuri naman ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino ang lahat ng mga atleta, at sinabi na handa nang makipagkompitensya ang bansa sa Tokyo Games na nakatakdang maganap mula July 3 hanggang August 8.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *