Provincial Government ng Camarines Norte wala pang pinapasok na anumang kasunduan hinggil sa construction ng mga power plant para sa renewable source of energy

CAMARINES NORTE- Wala pang pinapasok na anumang pormal na kasunduan sa ngayon ang Provincial Government ng Camarines Norte hinggil sa construction ng mga power plant para sa renewable source of energy.

Ito ang inihayag ni Governor Ricarte “Dong” Padilla sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.

Ayon sa Gobernador ang lahat sa ngayon ay nasa proseso pa ng pag- aaral.

Sa 2024 ay target umanong masimulan ang construction ng liquefied natural gas sa Jose Panganiban.

Sa ngayon ay nasa ilalim pa umano ito ng tinatawag na environment impact system analysis at matagal- tagal pa bago makarating sa financial closing at sa huli ay magkaroon ng environment compliance certificate (ECC).

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Kapag naisakatuparan ang proyekto ay kaya umano nitong mag produce ng 300 megawatt nang kuryente na tiyak na makatutugon sa problema sa suplay.

Solar power plants naman ang planong itayo sa Calaguas island sa bayan ng Vinzons para magkaroon na dito ng 24/7 power supply dahil hanggang sa ngayon ay problema pa rin ang kuryente sa isla.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Nasa lalawigan naman ngayon ang isang malaking kumpanya na nagmamay ari ng wind power plants sa Pilila, Rizal para pag- aralan ang mga tabing dagat.

Maglalagay ang kumpanya ng wind masts upang pag- aralan ang 24/7, 12 months characteristic ng hangin sa lalawigan at magsasagawa rin ng feasibility study kung aangkop sa windmill ang probinsiya.

Ayon pa sa Gobernador marami nang collaboration na ginagawa ang Local Government Unit sa Canoreco at sisiguruhin umano ng una na walang magiging problema lalong lalo na sa implementation stage ng mga power plant.