Construction ng mga power plant para sa renewable source of energy isinusulong sa Camarines Norte bilang tugon sa kakulangan ng suplay at mahal na presyo ng kuryente

CAMARINES NORTE- Isinusulong sa lalawigan ng Camarines Norte ang pagtatayo ng renewable source of energy bilang tugon sa kakulangan at mahal na presyo ng kuryente.

Sa gitna ito ng problema sa brown out at patuloy na pagtaas ng bayarin kada buwan na nagpapahirap sa mga kunsomidores.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet sinabi ni Governor Ricarte “Dong” Padilla na itinutulak ng Provincial Government ang pagkakaroon ng hydro- electric power plants, wind energy, solar power at liquefied natural gas power plant.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Sa katunayan ayon sa Gobernador ay nasa lalawigan ngayon ang isang malaking kumpanya na nagmamay ari ng wind power plants sa Pilila, Rizal para pag- aralan ang mga tabing dagat.

Maglalagay ang kumpanya ng wind masts upang pag- aralan ang 24/7, 12 months characteristic ng hangin sa lalawigan at magsasagawa rin ng feasibility study kung aangkop sa windmill ang probinsiya.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Pero aminado ang Gobernador na matatagalan pa ito at ang posibleng pagtatayo ng mga power plant ay sa pagitan ng 2024 at 2026.

Ngayong Oktubre ay muling sasalubungin ng mataas na bayarin sa kuryente ang mga konsumidores ng Camarines Norte Electric Cooperative dahil sa pagtaas ng September 2022 billing rates.

Batay sa anunsiyo ng Canoreco sa pamamagitan ng official facebook page nito, tumaas ng halos P2 per kWh ang babayaran.