CAMARINES NORTE- Patuloy ang pagakyat ng bilang ng mga nagpopositibo sa sakit na COVID-19 sa Camarines Norte
Sa ulat ng DOH Bicol kahapon muling nakapagtala ng 26 na panibagong kaso ng sakit ang lalawigan kung saan may 10 bagong kaso ang bayan ng Daet, 6 ang mula sa Sta. Elena, 5 ang bayan ng Capalonga habang may tig-2 kaso ang bayan ng Basud at Mercedes at nakapagtala ng 1 kaso ang bayan ng Talisay
Bunsod nito, pumalo na sa 1,662 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan , 321 nito ay aktibong kaso,
Sa kabila nito ay umaakyat rin ang bilang ng mga nakarekober sa sakit kung saan nadagdagan ito ng 24 na pasyenteng nakarkeober dahilan upang sumampa na sa 1,262 ang mga nakarekober
Habang nananatili sa 79 ang mga nawalan ng buhay dahil sa sakit
