CAMARINES NORTE – Magsasagawa ng National Information Communications Household Survey (NICTHS) ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa sususnod na buwan.
Magsisimula ang survey sa Pebrero 5 na tatagal hanggang sa katapusan ng buwan.
Sa panayam ng Brigada News FM Daet ipinaliwanag ni Camarines Norte PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao ang kahalagahan ng gagawing survey na naglalayong makapagbigay ng statistical information patungkol sa gamit ng ICT sa mga kabahayan at ng indibidwal.
Nasa halos tatlonglibo ang respondents sa buong lalawigan ng Camarines Norte nang hindi tinitingnan ang katayuan sa lipunan.
Gagawin ang survey sa pamamagitan ng computer aided personnel interview.
Ito ang unang pagkakataon na ang PSA ang magsasagawa ng naturang survey na ang dating gumagawa ay ang Philippine Statistical Research Institute (PSRTI) na attached agency ng National Economic Development Authority.
Ang nagkomisyon ng survey ay ang Department of Information and Communications Technology o DICT.
