Proposed death and medical assistance program ordinance para sa Barangay Officials and workers sa bayan ng Basud bigong makausad sa SB

CAMARINES NORTE- Hindi nakausad sa Sanggguniang Bayan ang panukalang ordinansang magkakaloob ng death and medical assistance sa mga opisyal at manggagawa ng Barangay na masasawi o kaya ay magkakaroon ng major injury habang tinutupad  ang kanilang tungkulin.

Batay sa findings ng komite hindi ito prioridad sa ngayon dahil hindi pa ito kasama sa Comprehensive Development Plan (CDP), Executive and Legislative Agenda (ELA) for Calendar Year 2023- 2025 at hindi rin kasama sa Annual Investment Program (AIP) for 2023.

Napag alaman din umano ng komite na mayroon namang life insurance ang mga opisyal ng barangay at may burial assistance sa ilalim ng Office of the Municipal Mayor.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Prioridad din umano sa Assistance to individuals in Crisis Situation (AICS) ang mga Barangay Official and workers sakaling maaksidente o ma-injure habang tinutupad ang kanilang tungkulin.

Dahil dito ay inirekomenda ng komite na sa ngayon ay “laid on the table” muna hanggang sa ma-supplement ang CDP, ELA at AIP.

Mababatid na nakapaloob sa panukalang ordinansa na tatanggap ng P10,000.00 ang opisyal o mangagawa ng Barangay na masasawi habang nasa official function at P5.000.00 naman kapag na-injured.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kasama rin dito pero hindi limitado sa Barangay Secretary, Barangay Health, Workers, Barangay Nutrition Scholars, Lupong Tagapamayapa, Barangay Tanod, Child at Development Workers.

Sa ilalim ng panukalang ordinansa ay maglalaan ang munisipyo ng halagang P100.000 sa Annual Budget.

Anumang halaga na hindi magamit sa loob ng taon ay ibabalik sa General Fund.

Sa sandaling hindi sapat ang halaga ay isasama ang supplemental appropriations sa mga susunod na annual o supplemental budget.