Mga klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa bayan Daet, suspendido alas dose ng tanghali ngayong araw

CAMARINES NORTE- Suspendido ang klase ngayong araw sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa bayan ng Daet

Ito ay base sa Executive Order no. 0033-2023  na ipinalabas ng pamahalaang panlalawigan ng Camarines Norte para ipagdiwang ang ika-103 anibersaryo ng probinsya at ang ika-19 na Bantayog Festival.

Suspendido ang klase simula alas dose ng tanghali ngayong araw, April 17, 2023 para magbigay daan sa fellowship parade, na magsisimula alas dos ng hapon mamaya at para din sa iba pang mga kaganapan sa Opisyal na Pagbubukas ng Selebrasyon ng nasabing anibersaryo at Bantayog Festival

Magmula sa Provincial Capitol ng Camarines Norte, tatahakin ng parada ang Carlos II street at kakaliwa sa F. Pimentel Avenue, kakanan sa V. Basit St,

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

At kakaliwa sa Suzara St, at muling kakaliwa sa Gov Panotes Avenue, magmula dito, didiretso patungong J. Lukban St. kakaliwa sa J. Pimentel St., kakaliwa sa Pandan St., at muling kakaliwa sa Vinzons Avenue, tutuloy na tahakin ng parada ang J. Lukban St (ridge #2) at kakaliwa sa  Magallanes Iraya hanggang makabalik sa Provincial Capitol Grounds

Kaugnay dyan, isasara ang mga kalsada at ipagbabawal ang pagpaparking  sa mga daraanan ng parada. Sa Magallanes Iraya street mula old municipal bldg. 1, sarado ang daan at bawal magpark alas 7 hanggang alas 9 ng umaga, ala una hanggang alas 9 ng gabi sa Carlos II street, alas tres hanggang alas 6 naman ng hapon sa froilan Pimentel avenue, Vicente basit street, suzara street, at Gov. panotes avenue, Alas 4 hanggang hanggang alas 7 naman ng gabi sa J. Lukban St, J Pimentel street, Dencio Cabanela, Vinzons Avenue at Justo Lukban Street

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

May mga nakatalaga din g mga medic at ambulansya sa may Novo department store, Calle sexy, Petron pandan, SM hypermart at sa may daet elementary school

Matatandaang, matapos ang dalawang taon ng mga paghihigpit na dala ng pandemyang COVID-19 muling ipagdiriwang ng Lalawigan ng Camarines Norte ang makasaysayang 103 anibersaryo ng pagkakatatag ng lalawigan

Nakapaloob din sa executive order, na ito ay hakbang ng lokal na pamahalaan upang matiyak ang kaayusan at kaginhawahan ng publiko gayundin ang pagbibigay ng pagkakataon sa lahat upang saksihan ang Fellowship Parade na isa sa mga highlight ng nasabing Bantayog Festival.