Sugatan ang aabot sa 33-katao matapos tumagilid ang sinasakyang cargo van ng mga ito sa National Road, Barangay Magsaysay Infanta, Quezon nitong Sabado, Abril 15.
Ayon sa report, binabagtas noon ng naturang sasakyan ang direksyon patungo sa Real, Quezon nang mawalan ng kontrol ang driver ng van sa pakurba at pababang bahagi ng kalsada sa naturang lugar na nagresulta sa pagtagilid nito.


Sakay sa naturang van na minamaneho ng 68-anyos na driver ang mga empleyado ng isang construction company at ang pamilya ng mga ito.
Kung saan, apat (4) sa mga ito ang nagtamo ng pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan habang ang ilan ay minor injuries lamang.
Samantala, agad na isinugod sa hospital ang mga biktima para malapatan ng lunas.