Programang “Oplan Tamang Timbangan” patuloy na ipapatupad sa Daraga Public Market sa Albay

BNFM BICOL—Inihayag ni Daraga, Albay Public Market Supervisor – Themis Lobete na magpapatuloy pa rin ang programang “OPLAN TAMANG TIMBANGAN” sa nasabing merkado publiko.

Sa isang panayam siniguro ni Lobete na patuloy ang kanilang gagawing pag inspeksyon sa mga timbangan na may daya o kaya naman ay depektibo.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Kukumpiskahin aniya ito ng kanilang mga tauhan para isailalim sa “recalibration” bago muling ibabalik sa mga may-aring tindahan at manininda.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Paliwanag ng opisyal, ang ganitong hakbang ng kanilang pamunuan ay hindi upang gipitin o pahirapan ang mga manininda partikular ang mga maliliit na negosyante, kundi bilang pagpapanatili lamang ng kaayusan at kawastohan upang ma proteksyonan rin ang karapatan ng mga mamimili.###