CHO-Sorsogon tinukoy ang dapat at hindi dapat gawin bago at pagkatapos magdonate ng dugo

SORSOGON CITY – Bawal uminom ng alak bago magdonate ng dugo.

Ito ang binigyang diin ni City Health Office (CHO)-head Dr. Rolando Dealca.

Sa pahayag ng opisyal sa Brigada News, sinabi nito  na bukod kasi sa dapat na physically at mentally prepared ang blood donor, mahalaga din umano na ang kanyang ibibigay na dugo ay walang ibang components maliban sa blood products na importanteng sangkap.

Read More:  685 voluntarily surrendered weapons destroyed in Maguindanao Del Norte

Ayon dito, ang alak kasi umano ay nananatili ng 24 na oras sa dugo ng tao kung kaya posible na ang kanyang ibibigay na dugo ay mayroong alcohol kung siya ay iinom isang araw bago ang blood donation.

Samantala, kung bawal ang pag-inom ng alak bago ang pagdodonate ng dugo, ipinapayo naman ng opisyal sa mga blood donor na kung maaari ay magpahinga pagkatapos ng blood donation.

Read More:  Teacher dies after alleged muriatic acid incident in Bacolod

Pamamaraan ito, upang masiguro lamang na ang nagbigay ng dugo ay hindi mahihilo o makararamdam ng anupaman. Gayunpaman, sinabi ng opisyal, ang mga ganitong sitwasyon naman umano ay magdedepende sa estado ng kalusugan ng blood donor.