SORSOGON CITY – Bagama’t nasa lalawigan ng Albay at Camarines Sur ang mayroong pinakamaraming producers ng mushroom, ini-institutionalize na rin ang produksyon nito sa lalawigan ng Sorsogon.
Ayon kay OIC Superintendent ng Sorsogon Dairy Production and Technology (SDPTC) at Focal Person ng mushroom project na si Pedro Oliver, may malaking potensyal umano ang market ng mushroom subalit kinakailangan din ang suporta ng pamahalaan upang mas mapalago ang mushroom industry.
Sa Sorsogon ay mayroon ng mga nakapagsanay pagdating sa pagpoproduce ng ‘spawn’ at may aabot na sa 90 hanggang 120 growers na mayroon sa rehiyong Bicol.


Ayon pa dito, ang Dept of Agriculture ay marami nang nadevelop na mga produkto mula sa mushroom na kinabibilangan ng mushroom chicharon, mushroom ice cream, mushroom sisig, soup at kikiam.
Pinag-iingat nito ang pagkain ng mga napupulot o nakukuhang mga mushroom sa bukid subalit aniya, ang white oyster mushroom ay hindi delikadong kainin dahil ito ay kino-culture.
Samantala, adhikain din ni Oliver na makapagproduce ng gatas para sa mga Sorsoganon at sa tulong umano ng mga inobasyon at ng DA-Bicol, nagkaroon ng magandang performance ang SDPTC sa Bicol.
