Procurement ng body-worn cameras, pinabibilisan na provincial govt ng So.Cot

KORONADAL CITY- PINAFAST-track na ng provincial government ng South Cotabato ang procurement ng mga body-worn cameras para sa iba’t ibang police stations sa lalawigan.

Ito ang inihayag ni Executive Assistant IV Rudy Jimenea matapos na nag-request ang South Cotabato Police Provincial Office (SCPPO) ng dagdag na mga body-worn cameras na kanilang magagamit sa mga police operations.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Ayon kay Jimenea na naghahanap na sila ng supplier na makaka-supply ng naturang device na katulad ng specification ng Philippine National Police (PNP) national headquarters.

Napag-alaman na sa South Cotabato, Koronadal pa lamang ang nakatanggap ng body worn cameras mula sa Camp Crame.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Ang ibang mga municipal police stations sa lalawigan ay gumagamit lamang ng alternative recording devices.
Ang pagsusuot ng body cameras ay ginawa ng requirement ng Supreme Court sa lahat ng mga police operations lalo na sa pagpapatupad ng warrants.