KORONADAL CITY — KAILANGANG magpakita ng vaccination card sa Covid-19 ang sinomang indibidwal na nais pumunta o mamasyal sa mga Christmas decorations na naka-display sa harap ng city hall grounds sa lungsod ng Tacurong.
Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay City Information Officer Allan Freno sinabi nito na dinagsa ng mga tao ang unang araw ng pagbubukas ng Inugyunay Festeval noong December 6.
Dahil dito, nagpalabas ng bagong guidelines ang city government upang ma-regulate ang pagpunta ng mga tao sa lugar.
Ayon kay Freno, bawal ang mga batang nasa edad 11-anyos pababa na pumunta sa city hall grounds sa mga araw na hindi nila schedule.
Itinakda naman ng city government kada araw ng Biyernes ang pagbisita ng nabanggit na age group kasama ang kanilang mga guardians o mga magulang.
