NAGA CITY- Araw-araw na abala ang mga kalsada sa Naga City, maliban sa sentro ng komersyo , marami ring mga opisina ng pamahalaan na sa lungsod lamang matatagpuan, limitado man ang face-to-face classes sa malalaking paaralang pang kolehiyo traffic parin sa Naga.
Sa online survey na ginawa ng Ateneo Social Science Research Center mula Marso 11 hanggang Marso 18, 2022 kung saan 1, 514 na mga guro at estudyante ang sumagot nakita ang percentage ng limang problemang dapat na aksyunan ng sinumang mayoral candidate na mananalo. 50% o una sa listahan ang problema sa trapiko, nasundan ng kawalan ng job opportunities sa 46%, 25% naman sa High Cost ng Hospitalization, 24% sa hindi maayos na kalsada at 23% problema sa basura.
Sa pagbangon sa ekonomiya isa rin ito sa tinitingnan ng Public Safety Office tulad ng paglalagay ng sistematikong traffic lights, pagpapatupad ng mga ordinansa ukol sa batas trapiko. Sinabi sa publiko sa pamamagitan ng City Events Protocol and Public Information Office ni Metro Naga Chamber of Commerce and Industry (MNCCI) President Dr. Mario Villanueva maganda rin ang pagdagdag ng alternatibong mga ruta tulad ng mag ginagawa ngayon.
Sinabi rin ni Villanueva na hindi inaalis ang posibilidad na magkaroon ng parking complex sa lungsod.
Ayon naman kay Allen Reondanga Chief ng CEPPIO , prayoridad ngayon ang bagong growth areas , satellite markets, paaralan sa mga komunidad at mga bagong kalsada.