CAMARINES NORTE- Nagbabala ang Philippine National Police sa mga kandidato na makikipag sabwatan sa Communist Terrorist Group na posible ang mga itong makasuhan kapag napatunayan.
Ito ang inihayag ng hepe ng Basud Municipal Police Station na si PMaj Melvin Atacador sa naging panayam ng Brigada News FM Daet.
Paliwanag ng opisyal na mismong ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang nagsabi na pwedeng kasuhan ang mga kandidatong makikipag sabwatan sa rebeldeng grupo.
Kung mayroon umanong makuhang ebedensiya ang PNP na may kandidatong makikipagsabwatan sa rebeldeng grupo ay kanila umano itong isusumite sa nakatataas na opisina.
Sa ngayon ayon kay Atacador ay wala naman umanong nakikitang banta na may kaugnayan sa pararating na eleksyon ang PNP sa kanilang Area of Responsibility.
Gayunman nakataas umano ang kanilang alerto sa posibilidad na atrocities dahil sa anibersaryo ng New People’s Army ngayong Marso.
May panawagan din ang opisyal sa rebeldeng grupo kung sakaling mayron umanong pinaplano ang mga ito.
“Sana po nanawagan kami sa kanila na huwag na nilang ituloy yan at ang talo po dito ay ang mga mamayang Pilipino, di naman po naka- iskor kayo sa amin, naka iskor kami sa inyo, iiskoran lang tayo hindi po, ang laging talo dito yung mga ordinaryong mamamayan.”
