PRO-XI, pinabulaanan ang alegasyon ng KOJC na magtatanim ang PNP ng bomba sa loob ng compound

Mariing pinabulaanan ng Police Regional Office XI ang impormasyon ng pagpapasabog sa isang lugar sa compound ng Kingdom of Jesus Christ.

Read More:  NBI witness fails to identify alleged hitman in VP Sara trial

Ang pahayag ng PRO-XI ay matapos makatanggap ng impormasyon ang legal counsel ng KOJC na si Atty. Israelito Torreon sa umano’y plano ng PNP na pagpapasabog sa isang lugar na may pinaniniwalaang bunker at may na-detect na ‘heart beat’.

Read More:  Senator-judges question request to advance NBI chief’s testimony

Iginiit ng abogado na hindi naaayon sa pagsisilbi ng alias warrant ang nasabing plano.