PNP Chief Marbil tiniyak ang kaligtasan ni Quiboloy sakaling sumuko

Patuloy na nananawagan ang Philippine National Police (PNP) kay Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ na huwag nang idamay ang kanyang mga miyembro at taga suporta sa implementasyon ng alias warrant of arrest laban sa kanya.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, kitang-kita ang “attempt” ng mga supporters ni Quiboloy para ma-delay ang movement ng PNP.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Idiniin din ni Col. Fajardo na bukas ang PNP sa anumang dayalogo at mismong si PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang nagtitiyak ng kaligtasan ni Quiboloy sakaling magdesisyon itong sumuko.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Sa huli, nanindigan ang PNP na hindi sila titigil sa paghahanap at pagi-inspection sa bawat sulok ng napakalawak na KOJC compound para mahuli at madala sa harap ng korte si Quiboloy at mga kapwa-akusado nito na nahaharap sa kasong child and sexual abuse at human trafficking.